Martes, Abril 4, 2017

"Blind date pa more"

Gusto ko lang e kwento yung unang blind date sa tanang buhay ko bilang isang nilalang dito sa mundo.

Highschooler ako nun, 4th year at nag-aaral sa matayog na paaralang tinatawag na General Santos City National Highschool.
Kapanahunang ipinagdiriwang ang intramurals nun.
Masaya ang lahat.
Habang ako tahimik lang sa isang bench habang kumakain ng tinapay na may ice cream na mas tinatawag na pan cream kuno, limang stick-o at wafrets na yellow(stick-o parin yun).
Tahimik lang akong nag riritwal dun.

Nagtatago narin apparently ang poging nilalang nun na tinatawag sa pangalang Vandolf dahil uso din ang blind date nun.
Kaya mahirap na.
At sa di inaasahang pangyayari, habang tahimik akong kumakain, nang may biglang mga nilalang na humila sa akin at tinakpan ang aking mga mata ng panyo na amoy downey na black fragrance ang itinali sa aking mga biluging singkit at nakakapang akit na  mga mata.

Napa OHMYGHED ako sa aking sarili kasi first time kong maranasan ang ma blind date nun.

Ayun na, nasa isang room na ako kasama ang pinaka maswerteng babaeng inilaan at ipinares sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinama. Pero nung nag salita na siya.
LENTEK!!!!!! Yung pinsan ko palang si Sarah ang ipinares sa aking ng mga kupal naming kaibigan na itatago nalang natin sa pangalang Oliver, Mikaela, Wendel, Dazzle at Katherine (hindi po nila tunay na mga pangalan yan)

Kaya ayun, dahil first time din ng pinsan ko ang ma blind date at walang hiyang na set up kami. Kaya ang sabi ko, enjoyin nalang namin ang pangyayari dahil sayang ang binayad. Hala! Sayaw dito sayaw dun!

At simula nun, hindi na ako nagpupunta sa mga intramurals sa highschool.
Alam niyo kung bakit?
Dahil last ko na ding celebrate yun ng intrams sa highschool. Dahil college na ako ngayon. At wala ng blind date sa aming skwelahan ngayon. Hahaha
Ayun lang. Salamat sa pag basa niyong walang kwenta kong sulat.

----end----

Biyernes, Pebrero 3, 2017

Out of my league


Hindi naman talaga ako galit sa'yo, kundi galit lang ako sa sarili ko.
Kasi 'nga alam ko nang bawal talaga, pero na hulog parin ako. 
Sa tuwing kasama mo siya, naiiyak ako.
Tanging sa mga panaginip ko nalang talaga magkakaroon ng TAYO.
Sumasakit ang mata ko hindi dahil sa panlalabo nito, kundi dahil sa mga luhang tumutulo sa tuwing nakikita ko na ikaw ay mas masaya kapag siya ang kasama mo.

Hindi ko nalang sana inamin pa, Oo nagmukha lang akong tanga.
Umasa na sana magkatuluyan na. 
Kaso, IKAW at SIYA na pala. 
KAYO na pala.

Didestansya na nga ba? O patuloy parin akong aasa sa salitang SANA?
Masaya ka na naman din sa piling niya.
At ang aking magagawa ay di na e-epal pa.
Kalimutan mo nalang sana ang mga salitang aking nabitawan na, 
isabay mo na'rin dito ang pag limot sa akin na minsan mo nang nakilala.
-Vanvan

Sa pag-ibig.


Huwag kang mag hangad ng kapalit, kung mahal mo siya, huwag kang umasang mamahalin karin niya pabalik.
Parang sa tindahan, 
'yung sinko pesos mo na sinuklian lang ng kendi, umasa kang ibibigay ng tindera yung piso kaso wala na siyang barya kaya Fres na kendi nalang ang isinukli niya. Umasa ka.


Sa pag lipas ng mga araw, napag tanto mo na sana hindi ka na lang umamin sa kanya na mahal mo siya,
Sana hinayaan mo nalang na yung nararamdaman mo para sa kanya ay nawala na. 
Sana yung mga pag tingin mo ay sana nawala na nga lang bigla na parang bula. 
Pero!
Nagpatalo ka, hinayaan mong si puso ang magsalita at hindi si utak.
Hinayaan mong si puso na ang nag sabi sa kanya na Oo mahal mo siya.
Kaya, gabi-gabi ay hindi ka pinapatulog ni utak kasi nga, nagtatampo siya na si puso ang mas inuna mo kaysa sa kanya.
Kaya eto, 
ngayon ay pinapamukha ni utak na 'yung taong kinausap ng puso mo ay wala palang pakialam sa'yo.
Wala siyang paki sa'yo!

Utak: " o diba? Sabi ko sayo, wag kang papadala sa puso mo, pakinggan mo lang palagi ako."
Puso: "oo na, nagpadala ako, nagpakatanga, at umasa, na sana yung tao na 'yun ay mahal din ako."
Ikaw: "wag na nga kayong mag-away, ayus lang naman na umamin netong aking nararamdaman, kaso sa maling oras at araw nga lang, ayos lang na di niya rin ako mahalin, masyado pang maaga, malay niyo, may plot twist pa sa kwento netong aking pag-ibig. Baka marealize niya na ako pala ay mahal niya. SANA.
Pero kung hindi talaga, edi hindi, pero kung oo, edi salamat, salamat kasi naappreciate niya ang isang ungas na katulad ko. Pero mag hihintay parin ako, hindi sa kanya, kundi dun sa taong nakalaan talaga para sa akin. 'Yung kahit hindi ako maintindihan, handa naman akong samahan at hinding hindi iiwan."
..........

Wag humangad nang anumang kapalit sa pag-ibig, do not expect too much.
-Vanvan

Huwebes, Enero 5, 2017



"Ikaw + ako = tayo?"




Meron ba talagang posibilidad na magkaroon ng salitang TAYO sa IKAW at AKO?

Imposible talagang magkaroon ng TAYO sa IKAW na dinagdagan ng AKO.
IKAWAKO pa siguro kapag pipilitin.
Ganoon, hindi maintindihan.

Sometimes, I end up asking myself na kung bakit nga ba ako sumasama sa inyo, sa squad ninyo kahit hindi naman talaga ako kasali.
May tawagan kayo sa bawat isa.
Samantalang saakin wala. Kasi nga hindi naman talaga ako kasali.
Siguro, ito yung purpose ko kung bakit nabuhay pa ako.
Siguro ako yung type ng tao na "tagapayo na common friend" na nahawi lang sa buhay mo para magkakilala kayo nung taong minsan naring tumawag sa akin ng "friend", "buddy", "bro", "tol", "van" o ano paman, para magkakilala kayo, ako yung naging "asungot friend" na naging way para magkatagpo kayo at para masimulan yung love story ninyo.
Ako 'yung parang magic sa isang kwento na kung saan magkakaroon ng milagro sa prinsesa para makikilala na niya si prince charming.
Or kaya ako 'yung best supporting actor para magkatagpo at ma-umpisahan na ang pag iibigan na mala Tenten at Serena.


Sa pagiging bystander ko, unti-unti ko nang nakukuha kung ano ako sa buhay ninyo. Ako yung taong minsan nang nakilala mo at iniwan nung nakahanap ka na nang bagong makakasama at hindi boring na katulad ko. Pero ito ako, handa paring makinig ng mga kwento mo, mga kadramahan ng buhay mo, mga malulungkot at pati narin yung mga masasaya. Andito lang ako. Sana ay maaalala mo pa na minsan dati tayo ay nagkakilala at nagkausap.
Naaalala ko pa, never mo ngang hiningi yung phone number ko. Mga ilang buwan narin bago ako na mismo ang nagbigay sa'yo kasi kunwari mag lo-logout na ako sa facebook at kunwari sa text messages nalang natin mapagpapatuloy ang pag-uusap natin. Pero nag hintay ako, wala parin pala. Pero masaya na ako kapag nakakatanggap ng mga tawag na galing sa'yo.
Kapag may nag text sa akin, iniisip ko kaagad na ikaw 'yun. Pero hindi. Yung network lang ng sim ko na nagpapaalala na malapit nang mag expire ang unli ko, as in seryoso? Mauubos na ang unli ko pero ni-isa wala akong naka text o nakausap man lang. Pero ayos lang, atleast may mga bagong unlis akong nalaman.
Dahil rin sa'yo nakakapag sulat na ako ng mga ganito, nakakapag payo ng sincere at nakakapag bigay hugot sa mga post sa mga social media na kahit medyo corny na talaga. Oo, na c-cornihan na ako sa sarili ko. Nasasaktan ako dahil sayo, nasasaktan na kahit hindi mo nalalaman na nagiging ganito na ako. Kinakalaban ko na ang sarili ko, pinipilit na makalimutan na ang isang taong katulad mo. Kalimutan ang mga masasayang alaala, mga tawanan, mga panahong ako yung iniiyakan mo kapag kinikwento mo ang mga problema mo, yung pakikinig sa'yo. Oo, kakalimutan ko nalang ang mga 'yun. Dahil satingin ko, paraan yun ng pag move on at para harapin ang katutuhanan na ang IKAW at AKO ay never talagang magkaroon ng TAYO.
-vanvan