Biyernes, Pebrero 3, 2017

Out of my league


Hindi naman talaga ako galit sa'yo, kundi galit lang ako sa sarili ko.
Kasi 'nga alam ko nang bawal talaga, pero na hulog parin ako. 
Sa tuwing kasama mo siya, naiiyak ako.
Tanging sa mga panaginip ko nalang talaga magkakaroon ng TAYO.
Sumasakit ang mata ko hindi dahil sa panlalabo nito, kundi dahil sa mga luhang tumutulo sa tuwing nakikita ko na ikaw ay mas masaya kapag siya ang kasama mo.

Hindi ko nalang sana inamin pa, Oo nagmukha lang akong tanga.
Umasa na sana magkatuluyan na. 
Kaso, IKAW at SIYA na pala. 
KAYO na pala.

Didestansya na nga ba? O patuloy parin akong aasa sa salitang SANA?
Masaya ka na naman din sa piling niya.
At ang aking magagawa ay di na e-epal pa.
Kalimutan mo nalang sana ang mga salitang aking nabitawan na, 
isabay mo na'rin dito ang pag limot sa akin na minsan mo nang nakilala.
-Vanvan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento