Biyernes, Pebrero 3, 2017

Sa pag-ibig.


Huwag kang mag hangad ng kapalit, kung mahal mo siya, huwag kang umasang mamahalin karin niya pabalik.
Parang sa tindahan, 
'yung sinko pesos mo na sinuklian lang ng kendi, umasa kang ibibigay ng tindera yung piso kaso wala na siyang barya kaya Fres na kendi nalang ang isinukli niya. Umasa ka.


Sa pag lipas ng mga araw, napag tanto mo na sana hindi ka na lang umamin sa kanya na mahal mo siya,
Sana hinayaan mo nalang na yung nararamdaman mo para sa kanya ay nawala na. 
Sana yung mga pag tingin mo ay sana nawala na nga lang bigla na parang bula. 
Pero!
Nagpatalo ka, hinayaan mong si puso ang magsalita at hindi si utak.
Hinayaan mong si puso na ang nag sabi sa kanya na Oo mahal mo siya.
Kaya, gabi-gabi ay hindi ka pinapatulog ni utak kasi nga, nagtatampo siya na si puso ang mas inuna mo kaysa sa kanya.
Kaya eto, 
ngayon ay pinapamukha ni utak na 'yung taong kinausap ng puso mo ay wala palang pakialam sa'yo.
Wala siyang paki sa'yo!

Utak: " o diba? Sabi ko sayo, wag kang papadala sa puso mo, pakinggan mo lang palagi ako."
Puso: "oo na, nagpadala ako, nagpakatanga, at umasa, na sana yung tao na 'yun ay mahal din ako."
Ikaw: "wag na nga kayong mag-away, ayus lang naman na umamin netong aking nararamdaman, kaso sa maling oras at araw nga lang, ayos lang na di niya rin ako mahalin, masyado pang maaga, malay niyo, may plot twist pa sa kwento netong aking pag-ibig. Baka marealize niya na ako pala ay mahal niya. SANA.
Pero kung hindi talaga, edi hindi, pero kung oo, edi salamat, salamat kasi naappreciate niya ang isang ungas na katulad ko. Pero mag hihintay parin ako, hindi sa kanya, kundi dun sa taong nakalaan talaga para sa akin. 'Yung kahit hindi ako maintindihan, handa naman akong samahan at hinding hindi iiwan."
..........

Wag humangad nang anumang kapalit sa pag-ibig, do not expect too much.
-Vanvan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento