Gusto ko lang e kwento yung unang blind date sa tanang buhay ko bilang isang nilalang dito sa mundo.
Highschooler ako nun, 4th year at nag-aaral sa matayog na paaralang tinatawag na General Santos City National Highschool.
Kapanahunang ipinagdiriwang ang intramurals nun.
Masaya ang lahat.
Habang ako tahimik lang sa isang bench habang kumakain ng tinapay na may ice cream na mas tinatawag na pan cream kuno, limang stick-o at wafrets na yellow(stick-o parin yun).
Tahimik lang akong nag riritwal dun.
Nagtatago narin apparently ang poging nilalang nun na tinatawag sa pangalang Vandolf dahil uso din ang blind date nun.
Kaya mahirap na.
At sa di inaasahang pangyayari, habang tahimik akong kumakain, nang may biglang mga nilalang na humila sa akin at tinakpan ang aking mga mata ng panyo na amoy downey na black fragrance ang itinali sa aking mga biluging singkit at nakakapang akit na mga mata.
Napa OHMYGHED ako sa aking sarili kasi first time kong maranasan ang ma blind date nun.
Ayun na, nasa isang room na ako kasama ang pinaka maswerteng babaeng inilaan at ipinares sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay at dinama. Pero nung nag salita na siya.
LENTEK!!!!!! Yung pinsan ko palang si Sarah ang ipinares sa aking ng mga kupal naming kaibigan na itatago nalang natin sa pangalang Oliver, Mikaela, Wendel, Dazzle at Katherine (hindi po nila tunay na mga pangalan yan)
Kaya ayun, dahil first time din ng pinsan ko ang ma blind date at walang hiyang na set up kami. Kaya ang sabi ko, enjoyin nalang namin ang pangyayari dahil sayang ang binayad. Hala! Sayaw dito sayaw dun!
At simula nun, hindi na ako nagpupunta sa mga intramurals sa highschool.
Alam niyo kung bakit?
Dahil last ko na ding celebrate yun ng intrams sa highschool. Dahil college na ako ngayon. At wala ng blind date sa aming skwelahan ngayon. Hahaha
Ayun lang. Salamat sa pag basa niyong walang kwenta kong sulat.
----end----