Crush is Paghanga
-VanvanAdolfo
Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang definition ng crush. Nakalagay sa slambook nung kaklase ko noong grade one, Crush is paghanga. Ang humanga sa pisikal na panlabas ng isang tao, ang kagandahan o kagwapuhan ng mga ito. Ang hangaan ang talento at kakulitang taglay nito. At ang hangaan sa kung ano siya sa buhay at kung ano ang epekto niya sa'yo.
Nage-exist ako. 'Yan ang laging sinasabi mo sa sarili mo sa tuwing palihim mong tinitignan ang taong matagal mo nang kinakahangaan. Nakatitig ka lang sa kanya mula sa malayo. Mag-isa mong ini-enjoy ang sitwasyon at mag-isa 'ring dinaramdam ang kilig. Tumayo siya mula sa pinagkaka-upuan , at naglakad papalapit sa'yo. Naglakad ka na rin papalapit sa kanya kasi yung classroom mo nasa likuran pa. Magkakasalubong na kayo. Habang malapit na siya, bigla 'ring bumilis ang tibok ng puso. At ayan na nga, nagkasalubong, nagtagpo, at bago pa man tuluyang magkalayo, yung tatlong segundong pagtatagpo ay sinulit mo na. Tinignan mo siya sa mata, sa labi niya, 'yung buhok niya, ang ilong, at siya, ang buong siya. Tapos nung naka lagpas na siya ay kunwari may tinitignan ka, para lang makita siya kung saan papunta o kung lumingon rin ba siya tulad ng paglingon mo sa kanya.
Yung feeling na. Hindi lang naman sa random na tao mo ito nararamdaman. Sa kaibigan mo 'ring halos tatlong taon mo nang hina-hangaan. 'Yung kinikilig ka kapag katabi siya, masaya ka kapag tinanong niya kung kamusta ka, anong nangyari sa'yo kahapon at kung ano-ano pa. 'Yung kuntento ka nang hanggang kaibigan nalang siya, kasi baka pag-umamin ka ay mawawala siya bigla, kapag inamin mong mahal mo siya na higit pa sa kaibigan ay layuan ka niya. Lagi mong hinihiling na sana habambuhay mo na siyang makasama, ikaw at siya ay forever na. Siya 'yung nag bibigay motivation sa pang araw-araw mong mga ginagawa. Siya 'yung nagmimistulang inspirasyon mo para makamit ang iyong mga pangarap. Siya ang nagbibigay dahilan kung bakit ka pa tumatawa at kung bakit ka pa masaya sa likod ng mga problema.
Pero, bakit nga ba masakit kapag hindi tayo crush ng crush natin? 'Yung malaman mong may crush na siyang iba, mas masakit 'rin 'yung malaman mong ang crush niya ay kaibigan mo pala, pero mas worse yung may karelasyon na siya? Masakit isiping parang hindi tayo nage-exist sa buhay nila?
Lagi mong ini-isip kung bakit hindi ka 'rin gusto nung taong gusto mo, 'yung nagbibigay kulay sa mga ngiti mo. Tanong mo sa sarili mo kung ano bang kulang sa'yo, o ano pa bang dapat baguhin at gawin para magustuhan niya rin. Nasasaktan ka lang ng palihim.
Pero tandaan mo, Crush lang yan, kung mapansin may ay salamat, salamat kung ma appreciate ka 'rin at napansin. Pero ang pagmasdan siya sa malayo, ang pakiramdaman siya ng palihim, ang hangaan, ang magustuhan, 'yung kilig na nararamdaman mo ay ayus na.
Crush lang yan. No Expectations.
Swerte kung crush ka'rin, pero wag masyadong dibdibin.
Crush lang yan, malayo sa bituka.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento