"Playlist ng iyong kadramahan"
Dumarating talaga 'yung mga panahon, lalo na kapag umuulan at nag-iisa ka lang sa kwarto mo habang nakikinig ka lang sa mga kanta ni Taylor Swift o ng The Script tapos mapapa-emote ka nalang bigla, dahil sa tingin mo halos lahat ng lyrics ay tagos hanggang bone marrow at mapapa "Shocks! naaalala ko na naman siya." ka nalang.
'Yung out of the blue, naalala mo na naman siya, naalala mo na naman 'yung mga pag ngiti niya, 'yung mga lugar na pinupuntahan ninyo magkasama, 'yung amoy ng pabango niya, yung mga kulitan ninyo together.
'Yung di mo na namamalayang naka ngiti ka na pala habang nakatitig sa kisame ng kwarto mo. Parang lahat ng mga masasayang alaala at kilig sa katawan mo, lahat sila ay nagsibalikan pero nang matapos na si Taylor Swift sa pagkanta ng Tim Mcgraw, bigla mo nalang maririnig si Adele na nagsasabing "Nevermind, I'll find someone like you", 'yung bawat lyrics sa kanta ay ninanamnam mo habang pinipigilan ang puso mong alalahanin ang mga nararamdaman noon sa kanya. Pilit mong binubura sa utak mo 'yung mga sandaling pinaparamdam niya sa'yo na ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.
Pero hindi mo magawa, masaya ka kasi nag-iilusyon ka na naman na baka pwedi pa, na baka pwedi pang balikan at magkaroon ng second chance.
Bigla mong kinuha ang cellphone na nakalatag sa kama, binuksan mo ang albums at muling sinilip ang mga pictures na 'kung saan kayong dalawa ay magkasama pa, mga picture na kayo ay masaya, kumakain, nagso-shoot ng bola sa isang palaruan sa mall.
Mga isang minuto karin'g nakatitig sa isang picture na kung saan ay magkatabi kayo, pero this time parang may tubig nang namumuo sa mga mata mo.
Sinubukan mong e search ang kanyang pangalan sa contacts mo, at nag attempt na itext ito. Pero biglang nag change ang music at this time si Sam Smith na naman ang nagsasabing "I know I'm not the only one", bigla kang natigilan at pinindot nalang ang cancel button dahil naalala mo 'yung mga katangahang nagawa mo sa inyong relasyon,
'yung ikaw nalang ang nakikipag laban, ikaw nalang ang umuunawa, at ikaw nalang ang nagmamahal. Mag-isa ka nalang na nakikipag laban, halos lahat ng sabihin ng iyong mga kaibigan ay hindi mo na pinaniwalaan, kasi nga mahal mo siya. Mahal mo pa siya. Pero tumigil ka nalang din, noong ikaw na mismo ang nakakita. Siya ay may mahal nang iba, siya ay may kasamang iba, siya ay may kahawak na iba. At ang pinaka masakit ay 'yung makita siyang masaya. Makita siyang masaya sa piling ng iba.
Bigla mong patatahimikin ang Taylor Swift, The Script, Adele, at Sam Smith at ibabalik sa katotohanang wala na talaga at nagdadrama ka lang sa kwarto mo.
Biglang tumahimik ang iyong mundo, at muli, nakatitig ka na naman sa kisame ng iyong kwarto at sasabihing "Kupido, sana pag nagkita muli kami ay wag na muling panain", hindi dahil sa ayaw mo, kundi sa tama na siguro ang mga napagdaanan ninyong dalawa para maka move-on at marealize na hindi talaga kayo ang para sa isat-isa.
-Vanvan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento