Lunes, Disyembre 26, 2016



Tiwala lang


Pumasok ka sa isang relasyon. Sa isang relasyon na kung saan sa tingin mo ay parang walang kasiguraduhan. 'Yung halos lahat ng duda ay nasa iyong isipan. Mga katanungan na gusto mo nang masagutan ng taong iyong ka-ibigan.

Takot. 'Yan ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken promises. 

Natatakot tayong baka hindi niya matupad 'yung pangako niyang mahalin ka hanggang dulo. Natatakot ka na baka maulit lang ang lahat ng sakit pero this time, mas malala na 'yung sakit. Natatakot kang baka hanggang salita lang siya at aasa ka lang sa wala. Yes, natatakot tayo.

Pero hindi ba natin naiisip ang chain reaction na mangyayari kapag nagpatalo tayo sa takot? Kapag natakot ka, hindi ka na maniniwala sa mga sinasabi niya. Kukwestyunin mo pa rin 'yung mga ginagawa niya, kung sino ang kasama niya, kung bakit hindi siya sumasagot sa mga text mo. 

Sa takot na 'yun, nagbibigay ka ng judgement na hindi katiwa-tiwala ang boyfriend/girlfriend mo. And believe me, mararamdaman niya 'yun at mapapaisip siya kung deserving ka ba sa pangakong mahalin habambuhay.

Ang problema sa lovelife, sinusulusyunan, hindi pinag-aawayan kaya put God in the center of your relationship.
Sabi nga nila, the most perfect love, actually the only perfect one, comes from God.
Kumbaga, sino ba ang makakatulong sa atin sa love kundi ang mismong lumikha nito.
Kapag kasi nandiyan si God sa pagitan niyo, alam niyong may common Friend kayong dalawa na handang makinig sa mga problema niyo, may isang parang Diary na mapagsasabihan niyo ng masasayang bagay na nagyari sa inyo, may isang Whiteboard na magpapaalala sa inyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa at kung ilang pagsubok na ba ang nalagpasan niyo para sumuko lang sa isang problemang kaya naman solusyunan at panghuli, may isang Parent na gagabay sa ating mga anak Niya sa pagtahak natin sa daan patungo sa panghabambuhay na pagmamahalan.

Tiwala lang. Kapag may mga problema, pag-usapan, ipagdasal at sosulusyunan magkasama.

Si God na ang bahala sa inyong dalawa.

'Di ba ang saya? At alam mong secured ka and safe kapag si God ang center ng relasyon niyong dalawa ng Babe mo


-Vanvan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento