Martes, Disyembre 27, 2016


Sa likudan mo

Kaya hindi ko masyadong naaalala ang mukha mo,
kasi sa tuwing magkasama tayo,
lagi akong nasalikuran mo,
sa paglalakad o kaya'y sa pag takbo.
Lagi lang akong nasalikuran mo,
nakasunod sa'yo.
Mga masasayang ala-ala ko lang sa'yo ay ang pagmasdan
ang likuran mo habang tinatahak
ang mundo kasama mo.
Pero oo, tanggap ko.
Kaibigan lang ako.

Crush is Paghanga
-VanvanAdolfo

Bata pa lang ako, alam ko na kung ano ang definition ng crush. Nakalagay sa slambook nung kaklase ko noong grade one, Crush is paghanga. Ang humanga sa pisikal na panlabas ng isang tao, ang kagandahan o kagwapuhan ng mga ito. Ang hangaan ang talento at kakulitang taglay nito. At ang hangaan sa kung ano siya sa buhay at kung ano ang epekto niya sa'yo.
Nage-exist ako. 'Yan ang laging sinasabi mo sa sarili mo sa tuwing palihim mong tinitignan ang taong matagal mo nang kinakahangaan. Nakatitig ka lang sa kanya mula sa malayo. Mag-isa mong ini-enjoy ang sitwasyon at mag-isa 'ring dinaramdam ang kilig. Tumayo siya mula sa pinagkaka-upuan, at naglakad papalapit sa'yo. Naglakad ka na rin papalapit sa kanya kasi yung classroom mo nasa likuran pa. Magkakasalubong na kayo. Habang malapit na siya, bigla 'ring bumilis ang tibok ng puso. At ayan na nga, nagkasalubong, nagtagpo, at bago pa man tuluyang magkalayo, yung tatlong segundong pagtatagpo ay sinulit mo na. Tinignan mo siya sa mata, sa labi niya, 'yung buhok niya, ang ilong, at siya, ang buong siya. Tapos nung naka lagpas na siya ay kunwari may tinitignan ka, para lang makita siya kung saan papunta o kung lumingon rin ba siya tulad ng paglingon mo sa kanya.
Yung feeling na. Hindi lang naman sa random na tao mo ito nararamdaman. Sa kaibigan mo 'ring halos tatlong taon mo nang hina-hangaan. 'Yung kinikilig ka kapag katabi siya, masaya ka kapag tinanong niya kung kamusta ka, anong nangyari sa'yo kahapon at kung ano-ano pa. 'Yung kuntento ka nang hanggang kaibigan nalang siya, kasi baka pag-umamin ka ay mawawala siya bigla, kapag inamin mong mahal mo siya na higit pa sa kaibigan ay layuan ka niya. Lagi mong hinihiling na sana habambuhay mo na siyang makasama, ikaw at siya ay forever na. Siya 'yung nag bibigay motivation sa pang araw-araw mong mga ginagawa. Siya 'yung nagmimistulang inspirasyon mo para makamit ang iyong mga pangarap. Siya ang nagbibigay dahilan kung bakit ka pa tumatawa at kung bakit ka pa masaya sa likod ng mga problema.
Pero, bakit nga ba masakit kapag hindi tayo crush ng crush natin? 'Yung malaman mong may crush na siyang iba, mas masakit 'rin 'yung malaman mong ang crush niya ay kaibigan mo pala, pero mas worse yung may karelasyon na siya? Masakit isiping parang hindi tayo nage-exist sa buhay nila?
Lagi mong ini-isip kung bakit hindi ka 'rin gusto nung taong gusto mo, 'yung nagbibigay kulay sa mga ngiti mo. Tanong mo sa sarili mo kung ano bang kulang sa'yo, o ano pa bang dapat baguhin at gawin para magustuhan niya rin. Nasasaktan ka lang ng palihim.
Pero tandaan mo, Crush lang yan, kung mapansin may ay salamat, salamat kung ma appreciate ka 'rin at napansin. Pero ang pagmasdan siya sa malayo, ang pakiramdaman siya ng palihim, ang hangaan, ang magustuhan, 'yung kilig na nararamdaman mo ay ayus na.
Crush lang yan. No Expectations.
Swerte kung crush ka'rin, pero wag masyadong dibdibin.
Crush lang yan, malayo sa bituka.

Lunes, Disyembre 26, 2016



"Window Shopping"


-
Kakatapus lang nang klase mo kaya't napagpasyahan mong magpunta sa mall.
"Saan po kayo?" -
nakangiting tanong ng driver sa'yo, at sinagot mo naman ito ng pangalan ng isang
mall na paborito mong puntahan na kahit sapat lang ang pera mo pang kain at pamasahe.
Nakarating kana sa iyong patutunguhan, bumungad agad sa iyong katawan ang
malamig na hangin na inilabas ng aircon.
Nag patuloy ka lang sa paglalakad.
Nagmamasid ka sa paligid dahil baka may
makita kang kakilala at masabayan, pero wala.
Napadpad ka sa department store, may nakita kang magandang sapatos at agad mo itong isinukat pero hindi kumasya. 

Doon mo napagtanto na 
"kapag hindi nagkasya ay wag nang pilitin pa, dahil masasaktan ka lang." 
Nag hanap ka nalang ng iba, at ayun nga nahanap mo na siya,
yung gustong-gusto mo talaga, yung matagal mo nang
pinagnanasahang maging parte ng buhay mo.
Nilapitan mo ito, hinawakan, dinama, at tinitigan ng matagal.
Pero tinignan mo yung presyo at nalungkot ka bigla.
"May mga bagay talaga na gustuhin man natin,
pero hanggang tingin lang talaga natin."
Binulungan mo yung sapatos. "Pag-iipunan
kita, gagawin ko ang lahat huwag lang maunahan ng iba. 
Basta ba't sanay makakapag-antay ka."
Inilatag mo na yung sapatos sa kanyang pinaglalagyan ng maayos at para bang
hindi na galaw ninuman at tuluyan na ngang iniwan.
Nagpatuloy ka sa paglalakad, ngunit may nagpatigil sa iyo. 

Nakita mo yung T-shirt na nakasabit sa isang sulok.
Sinukat mo ito at nagkasya naman, tuwang-tuwa ka kasi may mga bagay pa pala
na babagay sa iyo, pero agad mo na itong hinubad at ibinalik sa pagkakasabit dahil
parang may kulang sa kanya.
"May mga dumarating sa ating buhay na papaligayahin ka, papapatawanin ka at
mamahalin. 
Pero aalis din bigla dahil panandalian lang sila.
Maaaring nakulangan o kayay hindi nakuntento sa atin."

May isa ka pang nagustuhan.
Kinuha mo ito at saktong may nakasabay ka sa pag hablot neto.

Nakipag agawan ka.
"Ako ang nauna!"-
pasigaw mo sa kanya.
"Hindi! mas nauna ako kaysa saiyo!' - sagot niya sa pag sigaw mo.

Naalala mong nag wi-window shopping ka
lang at hindi mo rin naman mabili yung T-shirt na iyon kaya't nag LET GO ka nalang.


"Masakit mang pakawalan ang mga bagay na ipinaglalaban mo, ginawa mo padin dahil na realized mo na kahit ilang beses mo pa siyang ipaglaban pero hindi ka naman kayang panindigan eh kailangan mo na talagang bitawan dahil alam mong may mas karapat-dapat para sa kanya."

Napagod kana sa pagi-ikot at pag hahanap na
kung ano nga ba talaga ang mas babagay sa'yo.
Napag isipan mong kumain nalang.

Nag order ka nang Fries, Burger, Iced Tea at manok na may kasamang kanin.
Pinag antay ka ng mga walong minuto para makuha ito.


Malapit kanang mag beastmode kasi gutom na gutom ka na.
At ayan na nga.
Dumating na siya sa buhay mo. Inuna mong inumin ang Iced Tea.
Nawala ang pagka-uhaw mo pero nanlamig ka bigla, kaya't kumagat ka ng kaunti
sa Burger mo at nawala ang panlalamig na
nadarama at hanggang sa kinain mo na nga ng tuluyan ang inorder. 
"May mga bagay talaga na kahit ang simple lang ay kaya ka nang
pasayahin at busugin, maaaring sa pagmamahal o kaya'y sa
tuwa. Hindi mo na nga lang ito napapansin dahil puro ka 
tingin ng tingin sa iba at sa halip ay andyan lang 
pala siya. Kahit di gaanong magarbo pero kaya 
namang sulusyunan ang uhaw, panlalamig na nadarama at 
pagkagutum sa pagmamahal. 


Wag mong hanapin ang pagmamahal.
Sa halip mag hintay ka lang dahil kusang darating yan at kapag andiyan na siya, 
iparamdam mo lang na worth it ka para sa kanya." 

-Vanvan


Tiwala lang


Pumasok ka sa isang relasyon. Sa isang relasyon na kung saan sa tingin mo ay parang walang kasiguraduhan. 'Yung halos lahat ng duda ay nasa iyong isipan. Mga katanungan na gusto mo nang masagutan ng taong iyong ka-ibigan.

Takot. 'Yan ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng broken promises. 

Natatakot tayong baka hindi niya matupad 'yung pangako niyang mahalin ka hanggang dulo. Natatakot ka na baka maulit lang ang lahat ng sakit pero this time, mas malala na 'yung sakit. Natatakot kang baka hanggang salita lang siya at aasa ka lang sa wala. Yes, natatakot tayo.

Pero hindi ba natin naiisip ang chain reaction na mangyayari kapag nagpatalo tayo sa takot? Kapag natakot ka, hindi ka na maniniwala sa mga sinasabi niya. Kukwestyunin mo pa rin 'yung mga ginagawa niya, kung sino ang kasama niya, kung bakit hindi siya sumasagot sa mga text mo. 

Sa takot na 'yun, nagbibigay ka ng judgement na hindi katiwa-tiwala ang boyfriend/girlfriend mo. And believe me, mararamdaman niya 'yun at mapapaisip siya kung deserving ka ba sa pangakong mahalin habambuhay.

Ang problema sa lovelife, sinusulusyunan, hindi pinag-aawayan kaya put God in the center of your relationship.
Sabi nga nila, the most perfect love, actually the only perfect one, comes from God.
Kumbaga, sino ba ang makakatulong sa atin sa love kundi ang mismong lumikha nito.
Kapag kasi nandiyan si God sa pagitan niyo, alam niyong may common Friend kayong dalawa na handang makinig sa mga problema niyo, may isang parang Diary na mapagsasabihan niyo ng masasayang bagay na nagyari sa inyo, may isang Whiteboard na magpapaalala sa inyo kung gaano niyo kamahal ang isa't isa at kung ilang pagsubok na ba ang nalagpasan niyo para sumuko lang sa isang problemang kaya naman solusyunan at panghuli, may isang Parent na gagabay sa ating mga anak Niya sa pagtahak natin sa daan patungo sa panghabambuhay na pagmamahalan.

Tiwala lang. Kapag may mga problema, pag-usapan, ipagdasal at sosulusyunan magkasama.

Si God na ang bahala sa inyong dalawa.

'Di ba ang saya? At alam mong secured ka and safe kapag si God ang center ng relasyon niyong dalawa ng Babe mo


-Vanvan

"Playlist ng iyong kadramahan"


Dumarating talaga 'yung mga panahon, lalo na kapag umuulan at nag-iisa ka lang sa kwarto mo habang nakikinig ka lang sa mga kanta ni Taylor Swift o ng The Script tapos mapapa-emote ka nalang bigla, dahil sa tingin mo halos lahat ng lyrics ay tagos hanggang bone marrow at mapapa "Shocks! naaalala ko na naman siya." ka nalang.

'Yung out of the blue, naalala mo na naman siya, naalala mo na naman 'yung mga pag ngiti niya, 'yung mga lugar na pinupuntahan ninyo magkasama, 'yung amoy ng pabango niya, yung mga kulitan ninyo together.

'Yung di mo na namamalayang naka ngiti ka na pala habang nakatitig sa kisame ng kwarto mo. Parang lahat ng mga masasayang alaala at kilig sa katawan mo, lahat sila ay nagsibalikan pero nang matapos na si Taylor Swift sa pagkanta ng Tim Mcgraw, bigla mo nalang maririnig si Adele na nagsasabing "Nevermind, I'll find someone like you", 'yung bawat lyrics sa kanta ay ninanamnam mo habang pinipigilan ang puso mong alalahanin ang mga nararamdaman noon sa kanya. Pilit mong binubura sa utak mo 'yung mga sandaling pinaparamdam niya sa'yo na ikaw ang pinakamahalagang tao sa buhay niya.


Pero hindi mo magawa, masaya ka kasi nag-iilusyon ka na naman na baka pwedi pa, na baka pwedi pang balikan at magkaroon ng second chance.

Bigla mong kinuha ang cellphone na nakalatag sa kama, binuksan mo ang albums at muling sinilip ang mga pictures na 'kung saan kayong dalawa ay magkasama pa, mga picture na kayo ay masaya, kumakain, nagso-shoot ng bola sa isang palaruan sa mall.

Mga isang minuto karin'g nakatitig sa isang picture na kung saan ay magkatabi kayo, pero this time parang may tubig nang namumuo sa mga mata mo.


Sinubukan mong e search ang kanyang pangalan sa contacts mo, at nag attempt na itext ito. Pero biglang nag change ang music at this time si Sam Smith na naman ang nagsasabing "I know I'm not the only one", bigla kang natigilan at pinindot nalang ang cancel button dahil naalala mo 'yung mga katangahang nagawa mo sa inyong relasyon,

'yung ikaw nalang ang nakikipag laban, ikaw nalang ang umuunawa, at ikaw nalang ang nagmamahal. Mag-isa ka nalang na nakikipag laban, halos lahat ng sabihin ng iyong mga kaibigan ay hindi mo na pinaniwalaan, kasi nga mahal mo siya. Mahal mo pa siya. Pero tumigil ka nalang din, noong ikaw na mismo ang nakakita. Siya ay may mahal nang iba, siya ay may kasamang iba, siya ay may kahawak na iba. At ang pinaka masakit ay 'yung makita siyang masaya. Makita siyang masaya sa piling ng iba.


Bigla mong patatahimikin ang Taylor Swift, The Script, Adele, at Sam Smith at ibabalik sa katotohanang wala na talaga at nagdadrama ka lang sa kwarto mo.


Biglang tumahimik ang iyong mundo, at muli, nakatitig ka na naman sa kisame ng iyong kwarto at sasabihing "Kupido, sana pag nagkita muli kami ay wag na muling panain", hindi dahil sa ayaw mo, kundi sa tama na siguro ang mga napagdaanan ninyong dalawa para maka move-on at marealize na hindi talaga kayo ang para sa isat-isa.
-Vanvan


''Free your heart from hatred''


Try to forgive, try to understand. 'O di kaya naman, learn the art of DEDMA.
Hindi mo kailangang magtanim ng galit sa puso mo dahil kakainin lang nito ang kasiyahang natitira sa buhay mo.
Kapag may taong nanakit sa'yo, wag kang gumanti. Manahimik ka lang. Magdasal ka. Tell God lahat ng nararamdaman mo.
Then He will comfort you.
Siya na ang bahala.

SANAYAN LANG YAN…

Sa tuwing may outing ang pamilya, lagi akong hindi nakakasama.
Laging naiiwan mag isa sa bahay.
Minsan nakatulala lang, o kayay nakikipag titigan sa kawalan.
Naalala ko pa nga nung bata pa ako nung iniwan ako ng mama ko para mag trabaho, kahit anong pag iyak, pag damog, at pag sigaw ang gagawin ko, WALA PA RIN. 
Kahit ilang hanger at mga tiniklop na damit pa ang na itapun ko , wala pa rin.
Hindi ko maintindihan kong bakit para sa mga tao andali-dali lang mang iwan, di rin ba nila nararamdaman ang pakiramdam nang maiwan mag-isa?


At ngayung malaki na ako, unti-unti ko nang naiintindihan kung bakit tayo ini-iwan.
Sa bawat agos ng luha sa iyong mata, ikaw at ikaw lng din ang makaka pag punas niyan. Sa bawat pandadabog na pinag ga-gawa mo, titigil ka din naman dahil alam mong pagod kana.
At sa bawat hanger at mga tiniklop na damit na pinagbabato mo, ikaw lang din naman ang pupulot at magliligpit niyan.
Sa madaling salita, nasasa atin lang yan kung paano natin gawing masaya ang ating buhay. Pag nadapa, bumangon ka lang at ipakita sa mundo na kaya mo, kinaya mo e. Kaya't kaya mo na.

Sanayan lang yan...

DOTA Love Story


Carry, support, healer, Tanker, ano man ang role mo sa pag lalaro, naka dipendi parin yan sayo kung paano mo ilalaro ang game mo para manalo.

Ang pag-ibig ay parang pag lalaro ng DOTA, kung hindi ka marunong dumipensa ay matatalo ka talaga.
Una kitang nakilala, noong naka team kita
Isang boses anghel na nag dodota ang bumungan sa aming mga tenga
Sa una ay nag dududa pa kung babae ka bang talaga
Dahil sa voice chat kalang namin nadarama
Kaya’t kami pinag kaguluhan ka
Minsan lang kasi kami magka team ng isang babaeng nagdodota.

Kinakabahan ka, kasi malakas mga hero sa kabila
May Ursa, Dragon Knight at Templar sila
Nag Undying ako, nag Death Prophet ka
Mag ca-carry ako kahit na pang support eto, dahil yun ang hiling mo.
At ayan na nga, nagsimula na
Ang laban ng lima sa lima
Pagalingan kung sinong mas malakas at mas marunong dumipensa
Medyo kinakabahan ka, kasi alam mong wala kang laban sa kanila
Pero heto ako patuloy na nagpapalakas sa loob mo
Basta ba’t patuloy mo rin akong susuportahan sa laro eto.

Tuwang tuwa ka ng naka basag tayo ng tower nila
Para kang isang bata na di maipinta ang muka sa sobrang saya

Mag wa-wards ka muna saglit ang sabi mo sa akin, kaya’t naiwan akong mag-isa nakikipag laban sa dalawa.
Ginagawa na ang lahat hindi lang masira ang tiwala mong ibinigay sa akin pati narin ang tower natin,
Nang mahuli ka ni Ursa sa kanilang farming area, panay takbo nalang ang tangi mong magagawa
Hingi ka ng hingi ng tulong, ngunit di sila maka punta
Kaya’t ako ay nag teleport na, pupuntahan na kita
Assault Cuirass at Blade mail ay pinag sama na, andyan na silang lima kayat hali kana labanan natin sila

Tumolung narin mga kasamahan natin, nag all mid na para tapusin
At idineklara na din, Dire VICTORY!! Ang bumungad sa screen
Tuwang tuwa ka at nag pasalamat, dahil mmr mo ay umangat
May sasabihin pa sana ako sayo, kaso ikaw ay nag babay na
Forever natin ay matatapus na ba?
At hanggang dito na lang talaga
Wala narin naman akong magagawa, kaya’t hinayaan nalang na mag quit na
Ganyan naman talaga
Ang mahalaga’y napasaya kita kahit sa luob lang ng ilang minuto na pagsasama.


-Vanvan

Fan zone?


Sawa ka na ba?

Yung tipong hanggang like at comment ka nalang sakanya?
Nakikita mo naman siya sa personal, ikaw alam mo na nag eexist siya, habang siya walang ka alam alam na nabubuhay ka pala.
Sa tuwing sasapit na ang umaga,
ikaw ay nasa wall niya na.
Nang iistalk ka na naman.
Tinitignan mo kung may bagong post o kayay picture para naman ma like mo agad.
At ayun na nga, may inupload siyang bagong picture.
Picture niya habang kumakain sa isang sikat na restaurant.
Ki-nlick mo yung react button, at pinili ang love.
Tuwang tuwa ka, kasi ikaw palang ang unang nag LOVE sa picture niya.
Umasa kang baka duon, mapansin ka na niya.

Pero lumipas ang mga ilang oras, natabunan ka na, natabunan ka na sa notification niya. Yung pag asa mo ay nawala na.
Napag isip isip ka.
''Hanggang dito na lang ba?
E kung e cha-chat ko siya.
Baka naman mag mukang fc ako nun.
Baka magmukang tanga lang ako nun.
Baka sabihan akong papansin no'n.''
so ayun na nga.
Chi-nat mo siya.
''hi'' may smile emoticon pa.
Na seen na niya.
Umasa kang mareplyan agad.
Nag hintay, at umasa nanaman.
Tatlong oras ata ang lumipas.
Nang biglang tumunog messenger mo.
Agad agad mo kinuha ang cellphone mo mula sa pagkaka charge nito para tignan kung nag reply na ba siya sayo.
Nalungkot ka, kaklase mo lang palang nagpapalike na naman nang litrato niyang nakadilat ang mata.
Ibabalik mo na sana ang cellphone sa pagkakalatag neto at muling e charge.
Nang biglang sumulpot yung mukha niya sa screen at may kasamang mensaheng,
''Uy, hi din pala. Pasensya ngayon lang nareplyan. Busy kasi e''
biglang lumaki ang iyong mata sa nakita.

Kinilabutan na may kasamang kilig, excitement at kaba.
''nagreply siya!'' tanging naisigaw mo sa kwarto mo.
Pinag isipan mo muna kung anong isasagot mo. Tatagalan mo rin ba ang pag reply dito? O yung pa fast hand ba galawan mo?
''ayus lang hihi. Kamusta ka na?''
-pa sweet mong reply na paulit ulit mong nirereview kung may mali ba, o tama lang.
''heto, Posturang tao padin. Haha''
-sagot niya.
nag ''haha'' siya sa'yo, tuwang tuwa ka kasi napasaya mo siya.

''Ano man yang ginagawa mo, im sure matatapus mo yan ng maayos, magpahinga ka rin paminsan minsan. Basta kapag pagod kana, wag kang tumigil. Pahinga ka lang. : ) ''
''wow ah, hugot pa! :D'' -sagot niya

...

Tumagal din ang pagu-usap niyo, tuwang tuwa ka kasi nagkalaman na yung chat box niyong halos isang taon nang walang laman.
At dahil nga lahat ay may katapusan.
Nag paalam na siya at nag sabing matutulog na raw.
Pumayag ka, sino ka nga naman para pigilan siya. Bakit mo naman siya pipigilang matulog,
baliw ka ba?
Umaga na naman.
Panibagong araw.
Di ka pa naka moveon sa nangyari.
Yung matagal mo nang pinapangarap ay nakamit na nga.
Ang makausap ang isang taong imposibling makausap mo sa personal.
Hindi naman talaga siya artista, yung tipong kilala lang nang mga nakakarami, ini-idolo at kinakahahumalingan.
Kinuha mo yung cellphone mo.
Binasa ulet mga pag uusap ninyo.
''View previews messages'' lang inaatupag mo, galit na galit na nanay mo kasi hindi ka pa nakakapag saing.
Iniwan mo muna cellphone mo. Para makapag saing.
Nang matapus ka na. Chi-neck mo ulit ang phone mo.
''hi, good morning, salamat pala dahil kinausap mo ako. At salamat sa mga payo, hugot at kabaliwan na ibinahagi mo : ) ''
nanlaki na naman mga mata mo sa nakita mo.

''NAG GOODMORNING SIYA!'', halos di ka makapaniwala.

''kurutin mo nga ako'' ang sabi mo dun sa kapatid mong nag dodota sa kompyuter ninyo.
'' walang anuman. Basta pag kaylangan mo nang kausap, andito lang ako ''
-reply mong walang emoticon, para magmukhang seryoso.
''same school lang pala pinapasukan natin no?''
na amazed ka, kasi feel na feel mo na yung feeling na ini-istalk.
''haha lagi nga kitang nakikita e. Minsan kumakain, o kaya'y naglalaro sa gym.''
-sagot mong may pagka interesado. Gusto mo na namang habaan conversation ninyo.

Umaasa kana namang humaba ang paguusap ninyo kahit hindi mo alam kung saan na papunta ang usapan ninyo.
''sabay naman tayong mag lunch minsan o?, gusto pa kasi kitang makilala nang lubosan''
Nananaginip ba ako? Parang hindi na totoo ito!
May goodness!
Binatokan ka nang kapatid mo. Kasi diring diri na siya sa kadramahan mo.
Nag iisip ka nanaman nang maisasagot.
Kung papayag ka ba o hindi.
Malalapitan mo na siya. Makakausap mo na siya at makikilala ka na rin niya sa personal. At malalaman narin niyang nag eexist ka pala.

Ang dating pa like like at pa comment comment lang na tulad mo na minsan ay nagkalakas luob ay naging maswerte na nga.
Maswerte dahil ikaw ang napili. Sa dinamidami ng epal sa mundo ikaw ang napansin niya.
Umeffect nga yung powers mo na pansinin niya.
Di naman mali ang maging papansin. Basta wag lang pasubrahan.
Dahil baka minsan yung taong pinapadalhan niyo ng mga mensahe ay wala pala talagang oras para replyan ka, at ikaw naman itong umaasa na kahit minsan na ay nagmumukha nang tanga.
Just be yourself lang. Wag kang magbago para lang sa isang tao.


-vanvan
Sino daw ako?


Ako pala yung lalaking siniseperate ang sarili sa ibang tao.
Kapag masyado nang maingay ang paligid ay isinusuot nalang ang ear phones at makikinig ng music at iidlip nalang.
Ako rin pala yung tipo nang lalaking sensitive, matampuhin.
Lalo na't binaliwala lang ako nung mga taong pinapahalagahan ko't tinuring na kaibigan o pamilya.


Tahimik lang daw ako.
Pero hindi nila alam na makulet ako.
Nagpapapansin ako sa mga taong gusto at kumportable akong kasama.
Hindi rin naman talaga ako esnabero, sadyang may mga tao lang talagang di ko kayang pansinin at pakisamahan.
Malambing rin naman ako.
Masyahin, palatawa at minsan bugnutin.
Kung may kakilala man kayong katulad ko, PAHALAGAHAN niyo po sila,
Mahalin, at bigyang espasyo sa mga puso ninyo.
Kaya ka nilang pasayahin, sa mga simpleng bagay kaya kang patawanin.
Basta ba't wag mo lang paasahin.
Tao lang sila, nasasaktan din.
Kaya't kung may kakilala kang katulad sa akin.
Ikaw ay parang isa na sa mga pinagpapala rin.
Vanvan Adolfo po,
Isang taong masayahin.
Kaya't sanay inyo ring pansinin. : )


Dahil first time kong magkaroon ng sariling blog, mag po-post muna ako ng tungkol sa aking sarili.


AWKWARD





I'm an awkward person.


I tend to ask people
stupid things para lang
hindi magkaroon ng dead-air sa conversation.
Kapag wala na akong maisip, wala na.
Dead air na.
Feeling ko tuloy ang
boring kong kasama.
Worse, I end up asking
the same questions
again and again tapos
sasabihin nalang nila

"Natanong mo na yan eh".


Awkward.


Kapag may groupie
pictures, hindi ko alam
kung sasama ba ako o 
hindi kasi baka hindi ako 
belong. 
Hahaha. 

Awkward. 


Kapag may makakasalubong akong  kakilala, 
hindi ko alam kung papansinin ko ba o 
hindi kasi baka i-snobin 
lang ako. 
Kaya most of the time, 
I act as if I didn't see them nalang. 
Awkward. 

Kapag may groupings sa class, 
ako yung pinaka hindi nagsasalita kasi baka kapag nagbigay ako ng idea, 
dedmahin nila or hindi nila magustuhan. 

Awkward. 

Oral presentations in front of the crowd, 
sobrang f*cked up ako. 

Sarap mag play dead nalang sa sulok. 

Awkward. 


Kapag nag joke ako, 
tapos walang natawa. 
Depressed na ako. 
Hahahaha! 


Awkward. 

Tapos, hindi ako marunong manligaw. 
Tensionado ako palagi. 
Madalas akong nasasabihang weirdo ng 
mga niligawan ko. 
One time, sa sobrang 
kaba, imbis na sabihin kong, 
"Ang ganda naman ng mukha mo" 
ang nasabi ko, 
"Ang ganda naman ng boobs mo". 

Nasampal pa ako. 

Awkward.